-- Advertisements --
Pinalawig ni Texas Governor Greg Abbott ang COVID-19 disaster declaration.
Ang nasabing declaration ay nire-renew kada buwan.
Sinabi ni Abbott na ang nasabing hakbang ay para matulungan ang komunidad na labanan ang COVID-19.
Patuloy pa rin ang kaniyang panawagan sa kaniyang mamamayan na sunduin ang mga ipinapatupad na health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask.