-- Advertisements --

Naghahanda ang mga residente ng Texas sa posibleng pananalasa ng Tropical Storm Nicholas.

Ayon sa US National Hurricane Center na posibleng lumakas pa at maging hurricane ang nasabing bagyo.

Nasa border na ng US at Mexico ang bagyo at inaasahang maglalandfall ito sa Setyembre 14.

May dala itong lakas ng hangin ng hanggang 60 miles per hours.

Pinayuhan na ni Texas governor Greg Abbott ang mga residente na sundin ang anumang advisory na kanilang ipinapatupad.