Itinuring na mga bayani ni US President Donald Trump ang mga otoridad na rumesponde sa naganap na mass shooting sa El Paso, Texas noong linggo.
Tinawag din ni Trump na kaduwagan ang ginawang pagsuko ng suspek sa isang pulis matapos nitong walang habas na mamaril at ikinasawi ng 22 katao.
Sinigurado rin ng American president na kaisa ito ng mga otoridad sa kahit anong mang hakbang na kanilang gagawin upang mapanatili lamang ang kapayapaan sa kanilang lungsod.
Unang bumisita si Trump at ang kaniyang asawa na si Melania Trump sa isang ospital sa Dayton, Ohio kung saan may ilan pang sugatang biktima ang patuloy pa ring ginagamot.
Sa labas ng Miami Valley Hospital ay nagtipon-tipon ang halos 200 nagpo-protesta. Kinuha nila ang pagkakataon na ito upang isisi sa mga binitawang salita ni Trump na nagbunsod umano ng political at racial tension sa kanilang bansa.