-- Advertisements --
NTC Office Quezon City

Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mobile phone manufacturers, distributors at dealers na ipaalam ang text blocking features sa kanilang mga mobile phone para malabanan ang text scams.

Sa isang statemeny, sinabi ng NTC na nag-isyu ito ng isang Memornadum order No. 006-09-2022 na nakapokus sa mga solusyon sa gitna ng patuloy na paglaganap ng personalized text scams.

Sa naturang memo, nakasaad na dapat magbigay ang mga phone maker at seller ng direktiba sa kanilang users kung paano i-block ang mga text mula sa mobile numbers na wala sa knailang contact list at kung paano gumawa ng spam folder sa kanilang inbox.

Ang naturang direktiba ay dapat na ipakalat sa mga manufacturer’s websites at social media accounts.

Dapat din na may kasamang leaflet ang mga bagong mobile devices kung saan nakapaloob ang instruction kung paano gamitin ang blocking spam features sa mga bagong mobile phones.

Dapat din na may mga poster sa physical stores na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa text blocking, spam folder at iba pang features.

Ayon sa NTC, magiging bahagi na ang naturang memo sa requirement para sa approval o acceptance ng permits para sa mga mobile phone products na isinumite sa komisyon.