-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) head Eduardo del Rosario sa pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila sa gitna ng mga pagkwestiyon sa paggamit ng Marawi rehabilitation fund para mag-sponsor ng nasa 27 Internally Displaced Persons (IDPs) sa pagdalo ng Hajj pilgrimage sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Sec. Del Rosario, patunay ito sa malalim na pang-unawa ni Pangulong Duterte sa kultura ng Islam at mga implikasyon nito lipunan.

Ayon kay Sec. Del Rosario, ang liderato ni Pangulong Duterte ay magsisilbing inspirasyon at magtutulak sa kanila para pag-ibayuhin pa ang pagsusulong ng psotibong pagbabago sa public service.

Una ng inihayag nina Senators Francis Pangilinan at Panfilo Lacson na hindi maaaring gamiting rason ang relihiyon sa iligal na paggamit ng pondong nakalaan sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Magugunitang hiniling ni Pangulong Duterte sa Commission on Audit (COA) na irekonsidera ang kanilang findings kaugnay sa P5-million rehabilitation funds.