CAGAYAN DE ORO CITY- Itinanggi ngayon ng Task Force Bangon Marawi na nasa P10 bilyong pondo ng gobyerno ang masasayang dahil hindi na magagamit sa pagsasaayos sa wasak na bahagi ng Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ay matapos unang nababahala ang ilang mga mambabatas mula Mindanao na maibalik na lamang sa national government ang inilaan na pondo ay hindi napakinabangan sa reconstruction at rehabilitation progams para sa Marawi Ciy.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Task Force Bangon Marawi chairman Secretary Eduardo del Rosario na ang totoo ay nasa higit P4 bilyong pondo na lamang ang hindi nagagamit para sa nasabing pangangailangan.
Sinabi ni Del Rosario na hinihintay pa nila ang approval ng nasabing budget release na inaasahan nitong buwan para magagamit na ang pondo sa nakasaad na programa ng rehabilitasyon.
Tiniyak ng kalihim na nasa top of the schedule pa rin ang gobyerno para maipatayo ang nakasaad na mga imprastraktura sa loob most affected area upang mas lalong uunlad ang Marawi City na dating battle grounds ng state forces laban Maute-ISIS terror group noong Mayo hanggang Oktubre 2017.