CENTRAL MINDANAO- Umabot sa 58 Locally Stranded Cotabateños ang nasundo ng team ng TF Sagip Stranded North Cotabateños kagabi.
Kabilang sa mga nasundo ang 38 LSIs at 20 ROFs mula sa mga paliparan ng Davao City, Sultan Kudarat, Cagayan De Oro City, at General Santos City
Nabatid na ang dumating na ROFs sa Probinsya ay lulan ng sweeper flights na kinomisyon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
May commercial flights naman na nakasakay ang ibang LSI na nasundo ng team ng TF.
Sinabi ni PIATF IMT Logistics focal person, Engr. Mike Mineses na puspusan ang kanilang paghahanda dahil sa patuloy na pagdami ng mga umuuwing LSI at ROF araw man o gabi.
Ang lahat ng mga umuuwi ay agad isailalim 14-days quarantine base sa ipinapatupad na health protocol.