-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umabot sa 87 Locally Stranded Cotabateños ang nasundo ng team ng TF Sagip Stranded North Cotabateños nitong gabi ng Lunes.

Kabilang sa mga nasundo ang 23 LSIs at 62 ROFs mula sa mga paliparan ng Davao City, Cagayan De Oro City, at Cotabato City

Nabatid na ang dumating na ROFs sa Probinsya ay lulan ng sweeper flights na kinomisyon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

May commercial flights naman na nakasakay ang ibang LSI na nasundo ng team ng TF.

Sinabi ni TF Sagip Head Junmar Gonzales na puspusan ang kanilang paghahanda dahil sa patuloy na pagdami ng mga umuuwing LSI at ROF araw man o gabi.

Ang lahat ng mga umuuwi ay agad isailalim 14-days quarantine base sa ipinapatupad na health protocol.