-- Advertisements --
Urassaya Yaya Sperbund
Urassaya Yaya Sperbund/ IG post

Labis ang kasiyahan ng Thailand actress Urassaya “Yaya” Sperbund dahil marami ang nagsasabing kahawig niya si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sinabi ng “The Crown Princess” actress na mula pa noong bata pa ito ay napagkakamalan siyang Filipino.

Nagugulat na lamang daw siya na kinakausap siya ng Tagalog.

Nasa bansa ngayon ang actress at sabik na itong makatikim ng mga pagkaing Pinoy at pumasyal din sa iba’t ibang sikat na beaches sa Pilipinas.