-- Advertisements --
Pinagbayad ng multa ang prime minister ng Thailand dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.
Mahgpit kasi na ipinapatupad sa 49 probinisya ng Thailand ang pagsusuot ng face mask dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Matapos ang pagkalat ng larawan sa social media ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha na dumalo sa pagpupulong ng walang face mask ay minultahan agad ng governor ng Bangkok ito ng aabot sa $190.
Sinabi ni Governor Aswin Kwanmuang na agad niyang sinabihan ang Prime Minister at binayaran naman nito ang multa.
Nanatili ang paghihigpit ng gobyerno sa health protocols dahil sa hindi pa natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 ang maraming residente ng Thailand.