-- Advertisements --

Naging usap-usapan ang ginawa ni Thailand Prime Minister Prayuth Chan-ocha sa mga journalist.

Ginulat niya ang mga ito ng maglabas ito ng hand sanitizer at inisprayhan ang mga reporters.

Nangyari ang nasabing insidente ng tanungin ito tungkol sa naganap na pagbalasa sa mga cabinet officials.

Ang retiradong army general ay nasa tungkulin noon pang 2014.

Kilala ito sa kakaibang kilos kung saan minsan ay tinapik pa ang ulo ng reporter at hinawakan pa sa tenga.

May ginawa rin ito na nagdala ng life-sized cardboard niya kung saan ito daw ang sasagot sa mga tanong ng reporters.