-- Advertisements --
Hinagisan ng tear gas at rubber bullets ang daan-daang mga protesters sa Bangkok na isinusulong ang political reform at hinihiling ang pagbabago sa ongoing coronavirus vaccination program ng bansa.
Hiniling ng mga protesters na bumaba na sa kaniyang pwesto si Prime Minister Prayut Chan-O-Cha na dating army chief.
Binatikos ng mga protesters ang matamlay na rollout ng Covid-19 vaccination program ng Thailand.
Panawagan din ng mga ito sa gobyerno na simulan na nila ang paggaming ng mRNA shots gaya ng Pfizer at Moderna, imbes na ang bakuna na gawa sa China ang Sinovac.
Nasa 500 protesters ang lumabag sa restrictions lalo na ang public gathering.
Batay sa datos, patuloy ang pagtaas ng Covid-19 cases sa Thailand.