VIGAN CITY – Nanumbalik na umano sa normal ang sitwasyon sa Nakhon Ratchasima o Korat City, Thailand, kung saan nangyari ang madugong pamamaril ng isang sundalo na ikinamatay ng halos 30 katao sa loob ng Terminal 21 mall kahapon.
Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Lord Aparri na tubong- Bohol ngunit nagtatrabaho bilang Science teacher sa nasabing Nakhon Ratchasima, kahit balik-normal na umano ang sitwasyon sa kanilang lugar, nakakaramdam pa rin umano ng takot ang ilang mga residente.
Aniya, kaninang umaga umano ay tinanggal na ang mga barikadang ipinakalat kahapon kasunod ng nasabing pangyayari.
Marami rin umanong mga nagkalat na bulaklak at sulat sa harap ng nasabing mall na inilagay ng mga taong nakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa nasabing pamamaril. Top
-- Advertisements --