-- Advertisements --
Plano ng Thailand na buksan ang kanilang borders para sa mga manggagawa mula Myanmar, Cambodia at Laos.
Ang nasabing hakbang ay para maibsan ang kakulangan ng trabaho na siyang nakakaapekto ng export at tourism-dependent economy.
Sinabi ni Ministry of Labor Pairote Chotikasathien na kanilang ilalabas sa mga susunod na araw ang mga panuntunan sa vaccination status para sa mga migrant workers, quarantine procedure at COVID-19 testing.
Umaasa kasi sa mga migrant labor ang mga malalaking exporting industries ng Thailand gaya ng food and rubber production.
Magugunitang maraming mga migrant workers ang umalis sa Thailand mula ng naghigpit ang mga ito noong kasagsagan ng COVID-19 outbreak.