-- Advertisements --
Koh Tao beach 2
Koh Tao Beach

Pinagtibay ng supreme court sa Thailand ang parusang kamatayn sa dalawang Burmese migrant workers na pumatay sa dalawang British tourist sa isang resort sa Thailand noong 2014.

Kinilala ang dalawang si Zaw Lin at Wai Phyo ay lumabas na guilty sa rape at murder sa biktimang si Hannah Witheridge, 23 at pagpatay kay David Miller.

Nadiskubre ang bangkay ng dalawa noong Setyembre 2014 sa Koh Tao beach isang maliit na isla sa Thailand Gulf.

Nakita ng korte na malinaw, detalyado at mapagkakatiwalaan ang lahat ng mga forensic evidence.

Pinabulaanan ng korte na hindi nila hinawakan ng tama ang kaso.

Maguguintang noong 2015 ay hinatulan ang dalawang suspek ng parusang kamatayan subalit ito ay naiapela ng mga abugado ng dalawa na napagbigyan ng korte noong 2017.