Naghigpit pa at pinalawig pa ng Thailand ang mga lugar na inilagay sa lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Ilan sa mga paghihigpit na ipinatupad ay ang pagbabawal sa pagbiyahe, pagsara ng mga malls at pagpapatupad ng curfews.
Magiging epektibo ito sa 29 na probinsiya na magsisimula sa Agosto 3-18.
Sinabi ni Apisamai Srirangsan ang tagapagsalita ng gobyerno ng kanilag pag-aaralan mula ang sitwasyo pagdating ng 18 at kung mataas pa rin ito ay kanilang papalawigin ng hanggang Agosto 30.
Magigigng bukas lamang ang mga restaurant sa delivery at ang mga constructions ay papagayan sa pamamagitan ng bubble type.
Noong Hunyo ay sinimulan ng bansa ang kanilang pagpapabakuna kung saan target nilang mabakunahan ang 50 milyon katao hanggang sa katapusan ng taon.