-- Advertisements --
Nakatakdang ituloy ng Tahiland ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1.
Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.
Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng “test and go” scheme basta sila ay sumailalim sa COVID-19 test sa una at ikalimang araw pagdating nila sa bansa.
Pansamantalang mag-isolate sa isang hotel habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test.
Dapat din aniya na mag-download ang mga pasahero ng tracking app para matiyak na sumusunod sila sa ipinapatupad na batas.