-- Advertisements --
Kinakausap na ng gobyerno ng Thailand ang Merk & Co. para makabili ng 200,000 na experimental antiviral pill laban sa COVID-19.
Ayon kay Somsak Akksilp ang director-general ng Department of Medical Services na inaayos na nila ang ibang mga dokumento sa nasabing kumpanya para makabili ng antiviral drug na kilala bilang molnupiravir.
Nauna ng ibinahagi ng mga bansang South Korea, Taiwan at Malaysia na sila ay bibili ng nasabing gamot habang sa Pilipinas ay isinasagawa na ang trial ng nasabing gamot.
Itinuturing na ang monupiravir pills na siyang unang oral antiviral medication laban sa COVID-19.