-- Advertisements --

Nagpahayag ng interes ang bansang Thailand sa pamumuhunan sa Pilipinas sa sektor ng enerhiya, agrikultura, maging sa turismo.

Ayon sa Thailand, handa na silang maglagak ng pamumuhunan sa Pilipinas.

Ito ay batay na rin sa naging pagpupulong nila National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan at Thai Ambassador to the Philippines Tull Traisorat.

Napag-usapan ng dalawang opisyal ang naturang plano sa naging courtesy visit.

Sa isang pahayag, sinabi ng NEDA, nais bigyang pokus ng Thailand ang renewable energy .

Layon nito na makapagbigay ng malaking oportunidad sa mga gustong mag invest sa pagbibigay ng abot kayang kuryente.

Samantala, isang pagbati nman ang ipinaabot ng Thai Ambassador kay Balisacan .

Ito’y matapos makapagtala ang Pilipinas ng pinakamababang unemployment rate buhat noong 2005 .

Naitala rin ng bansa ang pinakamataas na GDP growth sa buong rehiyon ng Timog-Silangang Asya.

Binigyang diin naman ni Balisacan ang magandang samahan ng Thailand at Pilipinas .