-- Advertisements --
Mas dodoblehin na ngayon ng Thailand ang pagbebenta ng mga baril.
Kasunod ito sa naganap na pamamaril ng isang 14-anyos na binatilyo sa loob ng mall na ikinasawi ng dalawang biktima.
Sinabi ni Prime Minister Srettha Thavisin na inatasan na niya ang mga sundalo at kapulisan na higpitan ang mga bentahan ng mga baril.
Aminado kasi ng mga otoridad doon na talamak ang bentahan ng mga baril sa internet at hirap din silang mabantayan ito.
Nasampahan na ng kaso ang 14-anyos na suspek kung saan iligal niya umano nitong nabili ang baril.