-- Advertisements --

Naitala ng Thailand ang kauna-unahang kamatayan dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa Songkha public health authorities na isang 86-anyos na babae ang nasawi.

Naturukan na umano ito ng dalawang dosage ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Galing umano sa Hat Yai ang pasyente na bed-ridden na dahil sa Alzeheimer’s disease.

Kasama niyang nagpositibo sa Omicron ang anak nitong babae subalit gumaling ang anak.

Patuloy pa rin ang ginagawang paghihikayat ng mga otoridad sa Thailand sa kanilang mamamayan na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.