ILOILO CITY – Mas hinigpitan ngayon ng bansang Thailand ang pagpapatupad ng mga safety measures.
Ito’y matapos nakapagtala ang nasabing bansa ng pinakaunang COVID-19 casualty makalipas ang tatlong buwan.
Ayon kay Bombo International Correspondent Mary Ceres Porto Brunia, resident ng Brgy. Inaca, Cabatuan, Iloilo at teacher sa Lampang, Thailand, ang nasawi ay kakauwi lang sa nasabing bansa kung saan nagtrabaho ito bilang interpreter sa labor office sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon kay Brunia, nasa kritikal na kondisyon ang biktima ng dinala sa Rajavithi Hospital kung saan ang malala na ang kondisyon ng kanyang baga.
Sa ngayon, pumalo na sa 59 ang patay sa COVID-19 sa Thailand.
Tiniyak naman ni Brunia, na nasa maayos na kalagayan ang mga OFW sa Thailand sa kabila ng pandemya.