-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang hakbang ng navy at pollution experts sa Thailang para hindi na kumalat pa ang oil spill malapit kilalang beach resort.
Nagmula ang nasabing oil spill ng magkaroon ng leak ang undersea pipeline.
Tinatayang aabot sa 50 toneladang krudo.
Nagbabala ang Pollution Control Department na posibleng lumawak pa ang epektibo nito at umabot sa karagatan ng Rayong province.
Tiniyak naman ng mga opisyal sa lugar na walang anumang naiulat na damyos sa marine life o seafood farming.
Pinag-aaralan na ng Pollution Control Department at ilang eksperto kung anong uri ng dispersants ang kanilang gagamitin para matanggal ang mga langis.