-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Idadaan daw sa pakain para sa COVID-19 frontliners ang thanksgiving party ni 2019 Bar exam topnotcher Mae Diane Azores.

Sa panayam ng Bombo Radyo, hindi maitago ng 25-year old Bicolana ang tuwa at pasasalamat sa Diyos dahil sa tagumpay na naabot.

Batay kasi sa resultang inilabas ng Supreme Court en banc, nakakuha ng 91.049-percent na rating ang Law graduate ng University of Sto. Tomas-Legazpi.

Inamin ni Mae na tinarget talaga niyang makapasok sa Top 10 ng bar topnotchers, pero hindi inasahang pangungunahan niya pa ng resulta.

Kwento pa niya, naging malaking hamon ang naranasan niyang pananakit ng tiyan kasabay ng tatlong linggon examination noong November 2019.

Bago nag-take ng Bar exam, nagtrabaho sa Department of Social Welfare and Development-Bicol si Mae.

Dahil isa rin siyang Certified Public Accountant, kasalukuyan siyang nagsisilbi sa Commission on Audit.

“No dream is too big. If you can see yourself as a lawyer, you should do your best, pursue it, have some discipline. And sa mga law students na nag-aaral sa provincial schools, do not limit yourself in just passing the bar, aim the top kasi possible naman talaga siya,” ayon sa 2019 Bar topnotcher.