Ngayon pa lamang ay maaga nang inalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panalo ng Pilipinas noong July 12, 2016 sa iginawad na Award sa isyu ng West Philippine Sea na ibinaba ng Arbitral Tribunal sa The Hague sa The Netherlands.
Sa darating kasi na July 12, 2021 ay ang ikalimang anibersaryo ng South China Sea Arbitration.
Sa kanyang video message, binigyang diin ng DFA ang selebrasyon sa panalo ng Pilipinas dahil sa ito ay pinal na.
“The Award conclusively settled the status of historic rights and maritime entitlements in the South China Sea,” ani Locsin.
Ayon kay Locsin ang selebrasyon na ito ay regalo rin ng Pilipinas sa maraming mga bansa na may kahalintulad na problema sa agawan sa teritoryo sa karagatan.
Tinawag pa ng top envoy ng Pilipinas ang naturang Award bilang milestone sa international law.
“Thus, the Arbitral Award became and continues to be a milestone in the corpus of international law. It is available to other countries with the same problematic maritime features as ours. It puts one issue out of the way of conflict; because there is nothing there taken by force that results in any gain in law.”
Sinabi pa ng kalihim, kanilang kinokontra ang sinumang nagtatangka na maliitin ito at binabaliwala ang naturang malaking panalo ng Pilipinas laban sa China.
Inihalintulad pa ni Locsin ang Pilipinas sa isang maliit na si David sa bibliya habang ang higanteng China naman ay si Goliath.
Aniya, ang Arbitral Award ay nagpapakita lamang daw na hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang isang malaking bansa.
Ang naturang mensahe ni Sec. Locsin ay sa gitna na rin ng patuloy pa ring pagiging makulit ng mga Chinese vessels na pumapalaot at sumasakop sa mga karagatan sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
“The Philippines is proud to have contributed to the international rules-based order, to the affirmation of UNCLOS, and the strengthening of the legal order over the seas. The Award is final. We firmly reject attempts to undermine it; nay, even erase it from law, history and our collective memories. Anniversaries are an occasion to take stock of the past, mark the gains of the present, look to the future and find ways to work together for mutual benefit since no singular advantage can be gained by violating it,” wika pa ni Sec. Locsin. “We are also celebrating this our gift to all countries without exception. It is a gift from a country that’s not a power except for right in law. In 2012 we were David all alone, up against Goliath, amid hosts of indifferent spectators.”