-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Irish band na The Corrs ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Sa kanilang social media accounts ay nagpost ang grupo ng kanilang 2-nights concert na nakatakdang gawin sa Araneta Coliseum sa darating na Pebrero 15 at 16, 2025.

Magsisimula ang bentahan ng tickets sa susunod na linggo.

Ang grupo ay binubuo ng magkakapatid na Andrea, Sharon, Caroline at Jim.

Noong nakaraang taon ay isinagawa nila ang kanilang concert sa bansa matapos ang halos dalawang dekada.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay ang “Breathless”, “Runaway”, “What Can I Do” at maraming iba pa.