Pumanaw na ang Hollywood director na si William Friedkin sa edad na 87.
Kinumpirma ito ng kaniyang asawang si Sherry Lansing na hindi na binanggit ang sanhi ng kamatayan nito sa kanilang bahay sa Los Angeles.
Si Friedkin ay nakilala sa ginawa nitong pelikula na “Exorcist”.
Ayon pa sa asawa niya na mayroon pa sana itong nakatakdang ilabas na bagong pelikula.
Kabilang sa ginawa nitong pelikula ay ang “The French Connection” na nagwagi ng limang Academy Awards kabilang na ang best director.
Nakatakdang ipalabas sa Venice Film Festival sa Agosto 30 ang pelikula nitong “The Caine Mutiny Court-Martial”.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga nakasama nito sa pelikula.
Ang horror movie nito na “The Exorcist” ay kumita ng mahigit $500 milyon sa buong mundo.
Sa buwan sana ng Oktubre ay ilalabas ang bagong “The Exorcist: The Believer”.