-- Advertisements --

Naging maayos ang naganap ng pag bisita ni Senator Imee Marcos dito sa Hong Kong sa kanyang mga kababayang OFW nitong umaga September 24, 2023 sa Pier 10, Central District, Hong Kong.

Ang Pier 10 kasi ay pangunahing tambayan o destinasyon ng ating mga Kababayang OFW kapag araw ng linggo sa kanilang Day-Off dahil ito ay maluwag at pwedeng pagdausan ng mga group events. Gayan ng Zumba, Group Anniversary at ibat ibang mga aktibidad.

Sa nasabing pagbisita ay pinangunahan ng mga Aplikante ng The Fraternal Order of Eagles-Philippines Eagles-Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ang kanyang seguridad.

Sila ay nagsilbing security o marshals ng ating mahal na Senador na membero din ng Philippine Eagle under the Club of Eastern Gate Butuan Eagles Club.

EAGLES 1

Sa pakikipag-usap ng Club President Kuya Mar De Guzman ng Hong Kong Eagles kay Senadora Imee Marcos ay naitanng ng Senadora kung may Eagles na sa Hong Kong at sinagot naman ito na kasalukuyang itinatayo at ang mga Eagles Aspirants na nasa paligid niya bilang security ay parte ng kanilang Initiation bilang Service Security o maglingkod sa kapwa Eagle na ikinatuwa naman ng Sendora.

Pagkatapos magbigay ng kanyang mensahe at kumustahin ng personal ang kalagayn ng ating mga Kababayan ay nakilahaok din sya sa ginawang SUMBA DANCE na regular na ginagwa ng mga OFW Hong Kong Dancers.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga ibat-ibang OFW Group na makapag group picture taking sa kanya. Pagkatapos na maikling programa ay masayang umalis ang ating mahal na Senadora at nangako na laging siyang nakahandang makinig sa kanilang mga hinaing.

Ang The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles. Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ay kasalukuyang tumatanggap ng Aplikante ngayon sa mga may taong may pusong maglingkod sa sa Dios at Kapwa-Tao sa pamamagitang ng Malakas na Kapatiran dahil ito ang sinumpuan ng bawat kasapi nito.
FOR GOD AND COUNTRY, HUMANITARIAN SERVICE THROUGH STRONG BROTHERHOOD

Bombo Report News from
Marlon Pantat De Guzman
Bombo Radyo International Correspondent-Hong Kong
TFOE-PE Inc.

VIdeo and Photo Coverage from
TTProduction-Hong Kong