-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si John Aprea sa edad na 83.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak sa pagpanaw niya sa bahay nito sa Los Angeles.

Hindi na binanggit nila ang sanhi ng kamatayan ng actor.

Nagsimula ang pagpasok nito sa pelikula noong 1968 sa pelikulang “”Bullitt.”

Noong dekada 80 at 90 ay lumabas siya sa ilang mga TV shows gaya ng “Full House”, “The Gangster Chronicles” at maraming iba pa.

Nakilala siya sa pelikulang “The Godfather II” bilang batang Salvatore Tessio.

Unang nag-auditioned siya na gaganap bilang si Michael Corleone sa original na “Godfather” subalit ang role ay napunta sa actor na si Al Pacino.