PASAY CITY – Kaabang abang ngayong araw ang semi final game nang tinaguriang billiard legend Efren “Bata” Reyes sa larong Carom sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.
Makakaharap ni Reyes mamayang alas-4:000 ng hapon ang pambato ng Vietnam na si Ngo Dinh Nai na una niyang sinabi na magaling at mabigat niyang kalaban sa laro.
Ito ay dahil sa mga magagandang equipment at practice venue na meron ang Vietnam.
Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Pinoy at naniniwala pa rin sa kakayanan ni Reyes kasabay ng panalangin na swertehin sa bola ang veteran cue master.
Samantala, naniniwala ang presidente ng Billiard Sports Confederation of the Philippines na si Atty. Ramon Malinao sa panayam ng Bombo Radyo Philippines na kayang kaya pa ni Reyes ang mga laro sa billiard kahit nasa 65 na ang edad nito.
Bukod kay Reyes, sa larong Carom inilampaso rin ng isa pang senior citizen na pambato ng Pinas na si Francisco dela Cruz (2015 SEA Games bronze sa carom) kontra sa 30-anyos na Thailander na si Pakpoj Yuttapop.
Nakuha ni Dela Cruz ang panalo sa 70 points na kalamangan at (100-30) na final score.
Samantala, namayagpag naman ang Pinoy sa snookers double matapos makapasok sa finals ang tandem ni Alvin Barbero at Jefry Roda sa score na 3-0 kontra Myanmar.
Makakalaban ng dalawa ang pambato ng Malaysia sa finals para makuha ang gintong medal sa nasabing billiard category.
Inaasahan din na lulusot sa quarter final ng 10-Ball Pool Single mamayang hapon ang beterano at tinaguriang Money-game King Dennis Orcollo. (sports story by Bombo John Salonga).