-- Advertisements --

ROXAS CITY – Matapos ang masobrang isang taon na inilagay sa “sede vacante” o walang archbishop ang Archdiocese ng Capiz, pormal nang itinalaga ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 3, bilang ika-apat na Arsobispo si The Most. Rev. Victor Barnuevo Bendico, D.D.

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Most Rev. Charles John Brown, ang naturang installation.

Narito rin ang presensiya ng ikatlong Arsobispo ng Capiz at ngayon ay Archbishop ng Archdiocese ng Manila na si His Eminence Jose Cardinal Advincula Jr., D.D. at iba pang Arsobispo sa Pilipinas.

Sa mensahe ng bagong Arsobispo, pinasalamatan nito ang Panginoon sa panibagong hamon sa kanyang pananampalataya, at humingi din ng gabay na mapamunuan ang animnapu’t pitong parokya at mission-station at daan-libong mananampalataya sa Capiz.

Hindi din nito nakalimutan na pasalamatan ang mga taga-Baguio na personal na pumunta sa Capiz upang tunghayan ang installation ng kanilang dating Obispo.

Ayon naman sa isang lay faithful ng Diocese ng Baguio na masaya sila sa bagong assignment ni Msgr. Bendico, ngunit may kaunting lungkot at paniguradong ma mimiss nila ang “Dancing Bishop ng Baguio at Benguet” na talaga namang marami silang natutunan lalo na sa pananampalatayang Katoliko.

Samantala, ikinagalak rin ng nag-iisang kapatid ni Msgr. Bendico na si Cecilia Bendico-Manaog na dito sa Capiz itinalaga bilang Arsobispo ang kanyang nakababatang kapatid na si Msgr. “Toto.”

Sinabi din ni Manaog na dati paman ay pangarap na ng kanilang Ina na maging Pari ang nag-iisang anak nila na lalaki sa pamilya.

Patuloy rin itong ipapananalngin na mabigyan ng malakas na pangangatawan upang makaserbisyo sa buong Simbahan ng Capiz.