Nagluwag na ang The Netherlands at Belgium sa kanilang mga residente sa pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing.
Ngunit patuloy pa rin na ipatutupad ang entry pass para makapasok sa mga venue at event.
Base sa report, simula pa noong Setyembre 25, tinanggal na sa The Netherlands ang pagsusuot ng face mask at social distancing rules kung kaya ay halos balik na sa normal ang lahat.
Nilinaw naman ng gobyerno na kailangan pa rin na magsuot ng face mask sa mga public transportations at sa airports.
Required naman na magpakita ng vaccination o negative QR code ang mga kakain sa loob ng restaurant, papasok sa sinehan, museum at events.
Nanunumbalik na rin ang social life ngunit kailangan pa rin na maging maingat ang ating mga kababayan.
Napag-alaman na target ng The Netherlands ang 90% full vaccination rate sa loob ng susunod na buwan.
Sa pagtatapos ng Septyembre, nasa 82.4 % na mula 12-anyos pataas ang fully vaccinated.
Samantala sa Belgium, tuluyan nang tatanggalin ng French at Dutch regions ang mandatory na pagsusuot ng face mask maliban sa loob ng public transportation.
Kahit sa mga paaralan, hindi na rin kailangan ng mga estudyante at guro na magsuot ng face mask.
Nagbukas na rin ang lahat ng mga night clubs na sarado sa loob ng 18 buwan sa kasagsagan ng pandemya.