Inanunsiyo ni Dutch Prime Minister Mark Rutte ang pagkakaroon ng partial lockdown sa loob ng tatlong linggo.
Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay nakakadismaya subalit kailangan itong ipatupad dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Dagdag pa nito na kahit na malaking populasyon ng the Netherlands ang nabakunahan na laban sa COVID-19 ay mahalaga pa rin ang pagsasagawa ng lockdown na magsisimula sa Nobyembre 14.
Dahil dito ay magiging sarado ang mga non-essential shops, cafes, restaurants, hotels at supermarkets.
Maaring isagawa ang mga professional at amateur sports basta gawin ito sa closed doors kabilang na dito ang football World Cup qualifiers ng bansa laban sa Norway sa Nobyembre 16.
Sarado din ang mga casinos, sauna ganun dina ng mga saloon at bahay aliwan.
Mayroong hanggang apat na bisita lamang na may edad 13 pataas ang papayagan na tumuloy sa isang bahay at kung maari ay sa bahay na lamang isagawa ng mga tao ang kanilang trabaho.