-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang emo-band na The Red Jumpsuit Apparatus ilang araw bago ang kanilang concert.

Lulan ng Malaysian Airlines ay lumapag sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Isa sa limang miyembro nila ang nagpost ng larawan sa kanilang social media page.

Gaganapin ang concert ng grupo sa Davao City sa Setyembre 11 at sa Setyembre 12 sa Manila.

Taong 2003 ng nabuo ang American rock band sa Florida kung saan ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Face Down”, at “Your Guardian Angel”.

Huling nagsagawa ng concert sa basa ang banda ay noong 2016 sa kanilang “Don’t You Fake It 10 Year Anniversary World Tour”.