-- Advertisements --
Sinimulan na ng British legendary band na The Rolling Stones ang kanilang European tour sa Madrid.
Ang 60 tour ay binubuo ng 14 na concerts sa buong Europa na sisimulan sa Wanda Stadium ang home court ng Atletico Madrid football club.
Karugtong ito ng kanilang “No Filter” tour na nagsimula noong 2017 na naputol dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang rin ang unang pagkakataon na hindi makakasama ang kanilang drummer na si Charlie Watts na pumanaw noong Agosto sa edad 80.
Pinapangunahan ni Mick Jagger ang kanilang frontman, Keith Richards at Ronnie Wood ang banda na pinasikat nila ang mga kantang “Satisfaction”, “Jumpin’ Jack Flash” at maraming iba pa.