Pumanaw na ang co-founder at gitarista ng Irish rock band na The Script na si Mark Sheehan sa edad 46.
Ayon sa banda na nalagutan ito ng hininga sa pagamutan matapos na dapuan ng hindi na binanggit na sakit.
Humingi ang banda sa kanilang fans na igalang ang hiling pa privacy ng pamilya.
Binuo ni Sheehan ang banda noong 2001 kasama ang bokalista na si Danny O’Donoghue at drummer na si Glen Power.
Isinilang siya sa noong Oktubre 29, 1975 sa Dublin at ikinasal kay Reena Sheehan kung saan mayroon silang tatlong anak.
Bago ang The Script ay naging bahagi siya ng bandang MyTown mula 1996 hanggang 2001 kasama ang frontman na si O’Donoghue.
Bumuhos naman ang kalungkutan at pakikiramay mula sa mga fans at kapwa banda matapos na mabalitaan ang kamatayan ni Sheehan.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng bandang The Script ay “Hall of Fame”, “The Man Who Can’t Be Moved” “Breakeven” at maraming iba pa.