-- Advertisements --

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nahaharap ngayon ang mundo sa kabiguan kung hindi maisagawa ang pantay-pantay na pamamahagi ng COVID-19 vaccines.

Ginawa ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng World Health Organization (WHO) ang babala kasabay ng WHO executive board session.

Ayon kay Dr. Tedros sa ngayon nasa 39 million vaccine doses na ang naipamahagi sa 49 na mga mayayamang mga bansa, samantalang kakarampot na 25 doses pa lamang ang naiturok sa mahihirap na bansa.

WHO COVID Presser
WHO regular press briefing in Geneva

Tinukoy pa ng namumuno ng WHO na kung ipagpapatuloy ng mayayamang bansa ang sistema na “sila muna,” magdudulot lamang ito ng lalong pagtaas ng presyo ng bakuna, magkakaroon ng hoarding at tatagal pa lalo ang laban sa deadly virus.

“I need to be blunt: the world is on the brink of a catastrophic moral failure – and the price of this failure will be paid with lives and livelihoods in the world’s poorest countries,” ani Dr. Tedros. “The situation is compounded by the fact that most manufacturers have prioritized regulatory approval in rich countries where the profits are highest, rather than submitting full dossiers to WHO.”

Kasabay nito nanawagan si Ghebreyesus sa lahat ng mga bansa na magsama-sama na sa unang 100 araw ngayong taon ay maisagawa na ang pagbabakuna sa mga health workers at sa mga matatanda.

Nagpaalala rin ito sa mga bansa na meron ng umiiral na bilateral contracts at may control sa supply ng mga vaccines na maging bukas sa pinasukang
kasunduan sa ilalim ng COVAX ng WHO.

“The recent emergence of rapidly-spreading variants makes the rapid and equitable rollout of vaccines all the more important. But we now face the real danger that even as vaccines bring hope to some, they become another brick in the wall of inequality between the world’s haves and have-nots. It’s right that all governments want to prioritize vaccinating their own health workers and older people first. But it’s not right that younger, healthier adults in rich countries are vaccinated before health workers and older people in poorer countries.”