BACOLOD CITY – Matagumpay na isinagawa ang first-ever Philippine virtual theatre show sa pamamagitan ng Gabay Kalikasan campaign na Songs for A Changed World: Covid and Climate Change na ginampanan ng Huling El Bimbo cast.
Tumatalakay ito sa climate change at sa kasalokoyang nararanasan ng lahat dahil sa Pandemic kagaya ng problema ng magkalayong magkasintahan, magkakaibigan, pamilya, mga hindi nakapiling sa huling sandali ang meymbro ng pamilya na namatay dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19), hirap ng mga overseas Filipino workers (OFWs), dumadanas ng anxiety at depression at iba pang sitwasyon sa lockdown.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Huling El Bimbo the Musical Director Dexter Martinez Dantos, masaya silang kahit papaano ay buhay ang theater art kahit sa ganitong panahon ng pandemic.
“We get to adopt, nakaka excite, we get to express ourselves. Ang buhay kahit papaano ang theater because we are actually exploring different contents” pahayag ni Direk Santos,” ani Dantos.
Ang show ay ni-rehearse sa pamamagitan ng video call sa gitna ng pinapatupad na lockdown.
Kaya imbis na sa teatro, silay umarte at kumanta sa bakanting lugar ng kani- kanilang bahay kung saan ang iba ay gumamit lang ng cell phone at nagpa tulong sa technically-untrained na mga magulang, kapatid o iba pang kasama para ma video ang kanilang mga scenes na kinapulutan ng maraming aral.