Minabuting ‘wag na lamang magsalita sa media ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol matapos na maghain ng kanyang courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang mensahe sa social media na Facebook sinabi ni Piñol, hahayaan na lamang daw niya ang kanyang sulat kay Pangulong Duterte na siyang magpaliwanag sa kanyang naging desisyon.
Aminado si Piñol na mababawasan na ang isang cabinet member na “madaldal.”
Una na kasing inilalarawan siya ng ganito ng Pangulong Duterte.
“To my friends in the media, President Rody Duterte has described me as “just talkative,” so there will be less audio coming from my side from now on. Also, to those who would like to set interviews with me to discuss my offer to resign which I submitted to the President through Senator Bong Go yesterday, I am sorry but I will not give any statement on the matter.”
Sa kabila nito todo pasalamat ang kalihim sa Pangulo.
Aniya, bilang isang “sundalo at warrior” handa niyang tanggapin anuman ang ibibigay na sunod na trabaho sa kanyang ng Presidente.
Tiniyal din nito na magpapatuloy pa rin ang kanyang mga adbokasiya kahit wala na raw siya sa kagawaran ng agrikultura.
Una na ring lumutang na gusto ng Pangulong Duterte na mailagay si Piñol sa Mindanao Development Authority dahil sa kabisado na nito ang gagawing mga diskarte lalo na sa mga suliranin na kinakaharap ng rehiyon.
“I am a soldier of the President and I believe that a warrior does not choose the battle fields nor the battle. It is not the size of the battle field or the odds that matters but it is how you fight to win the battle,” pahayag pa ni Piñol sa kanyang social media account. “Until such time, the President decides on where to field me to wage another battle, I will continue my advocacies and work in the Department of Agriculture. Take it from there. Thank you.”