-- Advertisements --
Buo ang suporta ni United Kingdom Prime Minister Theresa May sa British ambassador to the United States matapos itong patutsadahan ni US President Donald Trump kasunod ang di-umano’y paglabas ng confidential memo nito.
Kinampihan ni May si Kim Darroch sa kabila ng kinasangkutan nitong kontrobersiya matapos lumabas ang mga nasabing dokumento kung saan nakasaad dito ang mga kritisismo nito laban sa Trump administration.
Dahil dito, ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang matagal nang magka-alyado na bansa.
Hindi naman ito ikinatuwa ni Trump at kaniya ring pinasaringan si May.
Aniya, dinadagdagan lamang nito ang gulo na sinimulan ni Darroch.