-- Advertisements --

Pasok na sa fourth round ng French Open si third seed Dominic Thiem.

Ito ay matapos talunin niya si Casper Ruud ng Norway sa score na 6-4, 6-3 at 6-1.

Nagkaroon ng problema sa kaniyang serve ang US Open champion sa opening set dahil sa problema sa breakpoints.

Unang beses na nakaharap ng Austrian player ang 21-anyos na si Ruud.

Susunod na makakaharap ng 27-anyos na si Thiem ang sinumang manalo sa pagitan nina dating French Open champion Stan Wawrinka at Hugo Gaston.