-- Advertisements --
image 538

Muling hinimok ng think tank ang gobyerno ng Pilipinas na pag-isipang muli ang pagpapatibay ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership.

Ang Senado, kung matatandaan ay sumang-ayon sa pagpapatibay ng free trade deal, na nag-aalis ng hanggang 90 percent ng mga taripa sa mga kalahok na bansa sa loob ng 20 taon.

Kasama sa Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP ang 10 ekonomiya sa Southeast Asia kabilang ang China, Japan, South Korea, New Zealand at Australia.

Ang nabanggit na mga miyembro ay bumubuo ng humigit-kumulang 30 porsiyento ng global gross domestic product.

Kaugnay niyan, ang pakikilahok umano dito ay maaaring humantong sa matatag na pagpapalawak ng negosyo at pamumuhunan na maaaring humantong sa kalidad at mas matatag na mga trabaho, at patuloy na pagbabawas ng kahirapan sa bansa alinsunod sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Una na rito, ang iba pang key financial policies ay umaakma sa pagpapatibay ng Regional Comprehensive Economic Partnership kabilang ang mga pag-amyenda sa Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investments Act, Public Service Act, at ang Build-Operate-Transfer Law ng ating bansa.