Nanawagan ang grupong think tank na imbestigahan ang pag terminate ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa kontrata nito sa pagitan ng AllCard Inc. na siyang kontraktor at supplier ng National ID card project.
Kung maaalala, nagdesisyon ang BSP na tapusin na ang kontrata dahil sa hindi maipaliwanag na delays at non-compliance umano ng AllCard Inc. sa itinakdang requirements .
Ang naturang kontrata ay nakaapekto rin sa milyong-milyong Pilipino.
Ayon sa isang eksperto, ang naturang insidente ay dapat mag-udyok sa lahat ng ahensya ng gobyerno na palakasin ang kanilang mga safeguards at accountability measures.
Batay sa naging desisyon ng BSP, terminated na ang lahat ng transaksyon sa panig ng dalawang partido.
Kabilang na dito ang suplay, delivery, installation at komisyon ng Lotus 1 Lot Lease ng Card Production Equipment sa loob ng tatlong taon at iba pa.