GENERAL SANTOS CITY – Inilalarawan na isang pinay na taga France na sobrang malungkot sa ngayong ang nasabing bansa dahil sa implementasyon ng third national lockdown.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay Chelyn Saez na tubong taga GenSan na puno na mga ospital lalong lalo na sa intensive care unit (ICU).
Ayon sa kanya na noong April 3, 2021 nagsimula ang lockdown sa kanilang lugar habang ang curfew ay magsisimula alas 6:00 sa gabi.
Noong wala pa ang COVID 19, ibat-ibang mga lahi ang makikita sa naturang lugar pero sa ngayon malungkot ang airport at buong Paris dahil nga sarado ang mga establismento.
Sa pahayag nito napakahirap ang sitwasyon na naging COVID positive at nahawaan nito ang kanyang pamilya .
Inamin nito na tumaas ang kaso sa ngayon ng suicide at divorce sa France dahil sa sitwasyon na kanilang nararanasan.