Hindi na umano kailangan pa ng isang third-neutral party sa imbestigasyon sa insidente sa Recto Bank basta’t magkasundo ang Pilipinas at China sa magiging resulta ng gagawing inquiry.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangan lamang daw ang third party kung hindi magkakasundo ang dalawang panig sa resulta.
“Kung mag-a-agree naman kayo, what do you need the third party for? What is clear is both parties will be investigating and share their findings. Kung pareho, nothing to discuss anymore,†wika ni Panelo.
Gayunman, hinihintay pa rin daw ng pamahalaan ang paliwanag ng China sa magiging dynamics ng imbestigasyon.
“The Chinese government offered a joint investigation,†wika ni Panelo. “Tayo naman tinanggap natin. Pero baka iba ang concept natin ng joint investigation sa kanila, so we will wait for them.â€
Sinabi pa ng kalihim na tatangungin ng mga imbestigador ang lahat ng mga sangkot sa insidente, maging ang mga mangingisdang Vietnamese.
Matatandaang binangga ng isang Chinese vessel ang bangang pangisda ng mga Pilipino na naka-angkla sa Recto Bank noong Hunyo 9.
Inabandona rin daw ng mga Tsino na palutang-lutang sa dagat ang 22 mangingisdang Pinoy na sakay ng FB Gem-Vir 1 sa loob ng ilang oras bago sila mailigtas ng isang Vietnamese fishing boat.