-- Advertisements --
Binawi ng Miss Universe Organization ang titulo ni Miss Universe 2024 Third Runner-up Suchata Chuangsri ng Thailand.
Ayon sa organisasyon na nilabag umano ni Chuangsri ang kontrata na napapaloob sa Miss Universe.
Agad kasi itong lumahok sa isang pageant kahit na hindi pa natatapos ang kaniyang termino.
Giit nila na ang pagiging Miss Universe ay hindi lamang karangalan at sa halip ay responsibilidad na kailangan ng dedikasyon at respeto.
Si Chuangsri kasi ay kinoronahan bilang Miss World Thailand 2025 noong nakaraang araw.
Dagdag pa nila na simula sa Mayo 1 ay magpapatupad na sila ng mahigpit na regulasyon sa lahat ng National Directors para sa mga title holders na sumasali sa ibang pageant habang hindi pa tapos ang kanilang termino.