Ipinagmamalaki ngayon ng PNP na “bloodless” pa rin ang kanilang Oplan Tokhang na ngayon ay nasa ikatlong linggo matapos ang naging relaunch nito noong Enero 29.
Sa datos na inilabas ng PNP Directorate for Operations, nakapagtala na sila ng 2,489 Tokhang activities nationwide kung saan nasa 2,489 na mga drug personalities ang sumuko sa otoridad.
Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, simula noong Dec. 5, 2017 hanggang February 22 ngayon taon, pumalo na sa 8,773 drug personalities ang naaresto ng PNP sa kanilang isinagawang 5,636 anti-illegal drug operations.
Nasa 88 namang drug suspects ang nasawi sa police operations.
Ang Police Regional Office-10 ang may pinakamataas na bilang ng Tokhang activities na umabot sa 993, habang 292 dito ang mga sumukong drug personalities.
Habang sumegunda naman ang National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi ni PNP chief Ronald Dela Rosa, walang bagong approach na ipapatupad ang PNP sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Ani Dela Rosa, kuntento siya sa implementasyon ng kanilang Oplan Double Barrel Reloaded at Oplan Tokhang.