-- Advertisements --

Handa pa ring maging bahagi ng Gilas Pilipinas si Thirdy Ravena anumang oras sakaling tawagan siya ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

Kasunod ito ng pagpirma nito ng multi-year extension sa San-En NeoPhoenix team ng Japan.

Paliwanag pa nito na wala siyang sama ng loob kahit na hindi siya nakasama sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark sa darating na June 16-20.

Aniya na naiintindihan nito ang desisyon ng SBP kahit hindi siya isinama na maglaro.

Bukod kasi sa FIBA Asia Cup qualifiers ay naghahanda ang Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Belgrade sa buwan ng Hulyo.