Nadagdagan ng puwersa ang Gilas Pilipinas sa nalalapit na pagsabak sa window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos na makumpirma ang pagsali na rin ni Thirdy Ravena.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio nasa bansa na si Ravena at inaasahan nilang mapapabilang ito sa national team sa banggaan nila kontra sa karibal na South Korea na dalawang beses nilang makakaharap.
Habang makikipagtuos din ang Gilas sa New Zealand at India simula sa February 24.
Kung maalala ang 25-anyos na si Ravena ay tumatayong import ng San-en NeoPhoenix team sa Japan B. League.
Sinasabing nagkaroon ng pagkakataon si Thirdy na bumalik ng Pilipinas dahil sa February 26 pa ang kanilang laro sa Japan at makakaharap mula nila ang Shiga Lakestars kung saan doon naman naglalaro ang kapatid nito na si Kiefer.