Nagpositibo sa COVID-19 si Filipino basketball player Thirdy Ravena.
Kinumpirma mismo ng kaniyang Japanese team na SanEn NeoPhoenix ang Japanese B League club.
Sinasabing nakaramdam ng ilang sintomas ito gaya ng pananakit ng lalamunan, malaise at trangkaso na mayroong temperatura na 38.2 noong Nobyembre 26.
Lumabas sa pagsusuri ng Toyohasi medical institution na positibo ito sa COVID-19.
Sa ngayon aniya bumaba na ang lagnat ni Ravena at patuloy ang kaniyang paggagamot.
Nagnegatibo naman sa COVID-19 ang ilang staff ng koponan at maging ang mga front office employees.
Noong nakaraang buwan ng dumating sa Tokyo si Ravena para sa pagsisimula ng paglalaro niya bilang import ng SanEn matapos ang 14-day quarantine ay naglaro ito ng ilang home and away games para sa koponan.